Pinagtibay pa ng Cotabato Light and Power Company ang ugnayan nito sa Maguindanao Electric Cooperative Inc. (MAGELCO) matapos magdonate ng kWh meters noong Nobyembre 7, 2025, kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng Metering Theory Discussion Training noong Nobyembre 12 hanggang 13 sa pasilidad ng kooperatiba.

Ayon sa Cotabato Light, bahagi ito ng kanilang tuloy-tuloy na suporta para mapaunlad ang kapasidad at kaalaman ng kanilang mga katuwang sa sektor ng kuryente. Dumalo sa pagsasanay ang mga kinatawan mula sa dalawang institusyon na siyang nagbigay-diin sa pagpapalakas ng technical skills sa larangan ng electrical metering.

Sa pahayag ni Cotabato Light President at COO Valentin S. Saludes III, binigyang-diin nitong ang kanilang pakikipagtulungan sa MAGELCO ay bahagi ng adbokasiya ng kumpanya para sa technical excellence, knowledge sharing, at community development. Layon umano ng kanilang donasyon at pagsasanay na patatagin ang lokal na kakayahan at matiyak ang maaasahang serbisyo para sa mga komunidad.

Dagdag pa ng opisyal, ang pagtulong sa pagpapalawak ng technical expertise ng kanilang partners ay direktang nakikinabang ang mamamayan na kanilang pinaglilingkuran, kasabay ng pagpapatibay ng kultura ng kolaborasyon, inobasyon at tuloy-tuloy na pagkatuto sa power sector.
Ipinahayag ng Cotabato Light na ang naturang programa ay nakahanay sa kanilang mga pangunahing prinsipyo ng pakikipagtulungan at makabuluhang community engagement. Nagbigay rin ang training ng praktikal na kaalaman at hands-on experience na magagamit agad ng mga kalahok sa kanilang operasyon.

Patuloy namang ipinapakita ng Cotabato Light ang kanilang dedikasyon sa technical excellence, sustainable development at community impact sa pamamagitan ng mga programang gaya nito.
















