Nanumpa na si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao at ang mga Mastura sa pangunguna ni Sultan Kudarat Town Mayor Datu Tucao Mastura sa Partido Federal ng Pilipinas o PFP na siyang national party ng Pangulong Bongbong Marcos.

Naganap ang naturang pagpapanumpa sa Maynila kung saan ito ay kasabay ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention na ginanap kahapon sa PICC.

Pinangunahan ni PFP President at South Cotabato Governor Jun Tamayo ang pagpapanumpa ng mga ito.

Kabilang sa mga nanumpa sa mga Mastura sina Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao, VM Shameem, MP Ishak, Maguindanao Elected First Board Member Sharifudin at Former Sultan Mastura Mayor Datu Mando Mastura habang soloflight namang nanumpa para sa lungsod ng Cotabato si Mayor Matabalao.