Pinagsusumite ng courtesy resignation ang mga coterminous appointees ng Cotabato City Government hanggang Enero 5 ng susunod na taon, alinsunod sa kautusan ng Office of the City Mayor na inilabas kahapon, Disyembre 28.
Ayon sa City Government, layunin ng hakbang ang pagsusuri sa naging trabaho at performance ng mga appointees sa taong 2025, gayundin ang pagpapahusay ng kalidad ng serbisyong ibinibigay sa mga Cotabateño.
Nilinaw naman ng pamahalaang lungsod na ang pagsusumite ng courtesy resignation ay isang normal na proseso sa pamamahala, at hindi ito inaasahang magdudulot ng pagkaantala o pagkaparalisa ng operasyon ng mga departamento ng lungsod.

















