Arestado ang isang abogado na nahaharap sa kasong Anti-Trafficking in Persons matapos ang operasyon na isinagawa ng mga otoridad sa Zamboanga City.

Ang suspek ay nakilalang si Atty. Michael Molina, isang Certified Public Accountant at Realtor.

Ayon sa mga ulat, siya ay inaresto matapos ang isinagawang Cyber-Surveillance at Intelligence Operation kung saan nailigtas ng mga miyembro ng NBI ang tatlong menor de edad at anim pang iba na sinasabing naging biktima ng sexual abuse.

Nalaman din na maaaring mula pa noong 2012 nagsimula ang pang-aabuso sa mga menor de edad, ngunit nadiskubre lamang ito sa pamamagitan ng pagkuha at paggawa ng mga child abuse materials na nagsimula pa noong 2002.

Sa kasalukuyan, ang mga nailigtas na menor de edad ay nasa kustodiya na ng DSWD.