MAS pinaiigting ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region o PROBAR ang kanilang operasyon kontra iba’t ibang uri ng kriminalidad sa rehiyon.
Sa datos ng PROBAR, sa ikalawang kwarter ng taong 2024 nakapagtala ito ng 11.27% o dalawampu’t apat (24) na kriminalidad mas mababa kumpara sa naitala sa unang kwarter.
Ayon kay PROBAR Regional Dir. PBGen. Prexy Tanggawohn, ang naitalang pagbaba sa porsyento ng crime index sa rehiyon ay bunga ng mas pinalakas na operasyon ng kapulisan kontra kriminalidad sa pamamagitan ng mga nakalatag na crime prevention strategies, patuloy na pagpapalakas, pagpapaigting ng pagroronda, pagpapatrolya, police visibility, at sa patuloy na kooperasyon ng mga komunidad sa mga otoridad.
Dagdag pa ni PBGen. Tanggawohn, 85% ng kapulisan ang kasalukuyang nakadeploy sa iba’t ibang lugar sa BARMM ang nagsasagawa ng aktibong pagpapatrolya.