Nananatili ang lakas ng bagyong Crising habang unti-unti itong lumalayo sa Extreme Northern Luzon, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa pinakahuling tala, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 kilometro hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometro kada oras at pagbugso ng hanggang 115 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Signal No. 2, Nakataas pa rin sa Ilang Bahagi ng Hilagang Luzon
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Batanes
Cagayan: Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Allacapan, Lal-lo, Lasam, Rizal, Santo Niño, Gattaran, Alcala, at Babuyan Islands
Ilocos Norte
Apayao: Calanasan, Luna, Pudtol, Kabugao, Flora, Santa Marcela
Abra: Tineg, Lagayan
Samantala, nasa ilalim pa rin ng Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng mga sumusunod na lalawigan:
Cagayan at Isabela: Kabilang ang Mallig, Divilacan, Quirino, Gamu, Ilagan City, Burgos, San Manuel, Roxas, San Mateo, Aurora, Luna, Cabatuan, Reina Mercedes, Naguilian, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Tumauini, Delfin Albano, Quezon, at Santo Tomas
Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao
Benguet: Bakun, Mankayan, Buguias, Kibungan, Kabayan, Atok, Kapangan
Ilocos Sur
La Union: Bangar, Sudipen, Luna, Balaoan, Santol, San Gabriel, Bacnotan, San Fernando City, San Juan, at Bagulin
Inaasahan ng PAGASA na magpapatuloy ang pagtahak ng bagyong Crising patungong Southern China at posibleng lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa loob ng araw na ito.
Pinag-iingat pa rin ng PAGASA ang publiko, lalo na ang mga mangingisda at may maliliit na sasakyang-pandagat, dahil sa mapanganib na kondisyon ng karagatan sa mga apektadong lugar.