Tinatarget na ngayon ng Cotabato Regional and Medical Center o CRMC na magkaroon ng sariling heart surgical team na mangangasiwa sa mga ipapatupad na cardiovascular surgical missions ng pagamutan.
Sa paliwanag ni DOH Undersecretary Dr. Abdullah Dumama, Jr, susubaybayan na lamang ng Philippine Heart Center o PHC mula sa Maynila ang gagawin na ikalimang CRMC Cardiovascular Surgical Mission ng mabubuong grupo kapag magkaroon na ito ng kaganapan.
Dagdag pa ni USEC Dumama, mas magiging accessible at madali na ito para sa mga pasyente sa Lungsod ng Cotabato, mga karatig bayan at lalawigan na nangangailangan ng agarang operasyon sa puso tulad ng transplant, heart bypass at iba pa.
Buhos naman ang suporta ng DOH sa CRMC na siyang nagsisikap sa mamamayan sa pangunguna ng Medical Center Chief nito na sk Dr. Ishmael Dimaren.