Nagsagawa ng kilos-protesta sa Mendiola ang iba’t ibang civil society organizations upang manawagan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad nang magtalaga ng bagong miyembro ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.
Kasabay nito, iginiit ng mga grupo ang mahigpit na pagpapatupad sa desisyon ng Korte Suprema na nagsasabing dapat matuloy ang halalan sa Bangsamoro region sa Marso 2026.
Mahigpit ang panawagan ng mga lumahok na magkaroon ng panibagong liderato sa BTA bilang bahagi ng pagsulong sa tunay na demokratikong pamamahala sa Bangsamoro Autonomous Region.
Nananatiling mapayapa ang pagtitipon habang nakabantay ang mga pulis upang tiyakin ang seguridad sa lugar.

















