Patay sa pananaksak ang isang 72 anyos na biyuda sa Barangay Panacol, Aguilar, Pangasinan, matapos itong makipagtalo sa umutang sakanya.
Sa ulat ng pulisya, isang hindi pinangalanang saksi umano ang nakarinig sa papatalo ni Lydia Melendez Soriano ang siyang nagpautang at ni Ron-Ron Almonte Veloria ang siya namang umutang sa ginang ng P13,000.
Sinisingil umano ni Soriano si Veloria sa kanyang utang ngunit ang suspek ayaw bayaran ang ginang.
Nang bumalik ang saksi sa Bahay ni Soriano, nakahandusay at duguan na ang ginang sa sahig habang ang suspek ay mabilis na nakatakas sakay ng tricycle.
Nagtamo ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.
Naisugod pa ito sa hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doctor.
Narekober ng otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang isang kitchen knife na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pananaksak.
Sa ngayon, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek upang sampahan ng kaso.