Nasawi ang isang (16) labing-anim na taong gulang na dalaga matapos itong makipagkita sa kanyang nobyo sa Makilala, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si alyas Josie na taga Garcica sa nabanggit na bayan.

Nabatid na nagdurugo ang private part ng naturang dalaga ng umuwi ito matapos makipagkita sa boyfriend sa bahay nito sa Barangay Malasila.

Naisugod pa sa bahay pagamutan ang naturang dalaga ngunit di na ito inabot pa ng buhay.

Agad naman na isinailalim sa kustodiya ng kapulisan ang nobyo nito na si Alyas Jomar, 18 at taga Makilala habang patuloy na iniimbestigahan.

Mismong si alyas Jomar ang nagdala sa ospital sa dalagita matapos mapansin ang pagdurugo ng pribadong ari nito.

Sa panayam kay PCpl. Jephony Bargamento na syang imbistigador ng kaso, sinabi nito na wala naman itong injury sa katawan at tanging pribadong ari nito ang may sugat base sa pag-uulat ng doktor na sumuri nito.

Sinundo aniya ng boyfriend si alyas Josie para sa Malasila matulog.

Posible namang maharap sa kasong panghahalay at homicide ang suspek depende sa magiging imbestigasyon ng pulisya.