Arestado ang 50-anyos na lalaki sa Miramar, Poblacion 2, Parang, Maguindanao del Norte matapos umanong tangkaing gahasain ang isang 19-anyos na estudyante sa loob ng kanilang tindahan.
Sinabi ng pulisya na natutulog ang biktima nang bigla siyang pasukin ng suspek, tinakpan ang bibig, at tinutukan ng ice pick.
Tumakas ang suspek patungo sa dalampasigan ngunit agad siyang hinabol at nadakip ng mga kamag-anak ng biktima sa tulong ng mga pulis.
Isinailalim sa medico-legal na pagsusuri ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center habang inihahanda na ang kaso laban sa suspek sa ilalim ng Anti-Rape Law.