Patay on the spot ang dalawang residente ng Marilog District sa lungsod ng Davao matapos na sila ay mabunggo ng bonggo truck sa Barangay Suawan, Marilog District.

Kinilala ang mga natepok na sina Florencio Bargamento na residente ng Tamugan at Christopher Lopecillo na taga Malamba ng nasabing distrito.

Nabatid na binabaybay ng nasabing bonggo truck ang ruta ng Davao hanggang Bukidnon at ng makarating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay sinubukan nitong magovertake.

Nakasalubong naman nito ang dalawang motorsiklo sa kabilang linya ng kalsada at bumunggo na naging sanhi ng kamatayan ng dalawang lalaki. Nagpapatuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng kapulisan.