Di na umabot pang buhay sa pagamutan ang dalawang biktima ng pamamaril sa Barangay Kurentim sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, kamakalawa.

Ang mga biktima ay kilalang sina Mheds Baman at Kusain Abdullah na residente ng Pahamuddin, SGA-BARMM. Sakay ng payong payong ang mga biktima ng sila ay bumabagtas sa highway ng biglang maganap ang pamamaril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.