Dalawang biktimang lalake ang natagpuan na wala nang buhay kagabi, Oktubre 29 sa bahagi ng Barangay Pimbalayan, Lambayong sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Sa hinala ng mga residenteng nakakita sa mga bangkay, biktima umano ng salvage o summary execution ang mga ito dahil sa ang isang biktima ay nakatali pa ang kamay ng makita na nakahandusay.
Wala pang pagkakailanlan ang mga autoridad sa mga biktima habang patuloy pa rin ang masinsing pagalam sa motibo ng mga suspek sa pagpaslang sa dalawang lalaki.
Prinoproseso na rin ng SOCO ng kapulisan ang lugar para sa mga posibleng ebidensya sa pagpaslang.

















