Patay matapos na tambangan ang dalawang BPAT o Barangay Peacekeeping Action Team na sumusuporta sa kampanya kontra iligal na droga ng pulisya sa bayan ng Sumisip, Basilan, kamakalawa.

Kinilala ng PRO-BAR ang dalawang biktima na sina Hasid Bidalul at Ridzman Asdaman. Nakasakay diumano sa motorsiklo ang dalawa ng sila ay atakihin ng mga gunman na nakapwesto sa Barangay Tumahubong na tinaguriang hinterland area sa nasabing bayan.

Nagtamo ng bala sa ibat ibang parte ng katawan ang dalawa na ikinamatay nito habang ang mga suspek naman ay nakatakad matapos ang insidente.

Ang mga etnikong Yakan na sina Bidalul at Asdaman ay mga BPAT mula sa Sumisip LGU at Sumisip PNP at kilala din sa kanilang maigting na pagsuporta sa kampanya kontra kriminalidad at droga sa bayan ng Sumisip.

Ang dalawa ay senior members din ng Sumisip Municipal Peace and Order Council o SMPOC.