NABULILYASO ang illegal na transaksyon ng dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang maaresto ng Criminal Investigation and Detection Group ng Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR) dahil sa pagbebenta ng mga armas sa bahagi Rosary Heights 1, sa lungsod ng Cotabato

Kinilala ng CIDG-BAR ang mga suspek sa mga alyas na “Buds” at “Boy” na sakay ng SUV nang makipagkita sa mga otoridad na nagpanggap bilang poseur buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang AR-15 Caliber 9mm carbine at dalawang magazine.

Sa ngayon, himas-rehas ang mga suspek sa lock-up cell ng CIDG-BAR.

Kakasuhan naman ang mga ito ng iligal na pagbebenta ng baril, sa ilalim ng RA 10591 o Firearms and Ammunitions Regulations Act.