Napasailalim na sa mahabang mga kamay ng batas ang dalawang High Valued Targets matapos itong mahulihan ng kapulisan ng tinatayang aabot na 5.7 milyong piso na halaga ng shabu sa ikinasang drug buy-busy sa Barangay Sta. Barbara sa lungsod ng Zamboanga.

Magkatuwang na hinuli ng kapulisan, PDEA at mga kawani ng Philippine Navy ang dalawang suspek na nakatira sa siyudad at nasa tala ng mga itinuturing na HVI’s ng kapulisan.

850 na gramo ng shabu na nagkakahalaha ng 5.7 million pesos at boodle money ang nasamsam sa mga ito ng mga operatiba.

Haharap naman ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.