Kapwa yupi ang harapan ng isang kotse habang wasak naman ang bahagi ng driver ng isa pa matapos na masangkot sa aksidente kahapon sa bahagi ng Balabaran St. MB Tamontaka sa lungsod ng Cotabato.

Sangkot sa naturang aksidenre ang kulay pulang Hyundai at isa namang Vios na sasakyan.

Sa naging salaysay ng mga nakatambay sa lugar, bigla umanong nagkabanggaan ang dalawa habang binabaybay nito ang kahabaan ng highway.

Mabilis naman silang natanggal sa gitna ng kalsada upang di na makapagdulot pa ng mahabang pila ng trapiko sa nasabing lugar.