Napag-ayos ng PSRO sa pamamagitan ng rido settlement dalawang MILF commanders na residente ng Mamasapano, Maguindanao del Sur. Naging matagumpay ang isinagawang rido settlement sa pagitan nina Kumander Dia Muhammad at Kumander Daud Binso.

Nanguna rin sa pag-aayos na ito kasama ng PSRO ang MILF-AHJAG, mga lokal na opisyal, militar at pulisya. Nagugat ang rido ng dalawang grupo matapos na tambangan at mapatay ang isang kaanak ni Kumander Daud.

Agad naman itong kinilusan ni MILF AHJAG at PSRO Exec. Director Anwar Alamada upang di na lumala pa ang sitwasyon. Posible din nilang ikasuspinde bilang MILF member ang kanilang pagmamatigas kung sakaling di ito agad na napag-ayos sapagkat silang parehas ay miyembro ng MILF BIAF.

Sa maayos na usapan at pakikipag-areglo, nangako ang magkabilang panig na magkakasundo ito at mag-aayos alang-alang sa payapang komunidad. 3

Sa tala ng PSRO mula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan, 30 na naglalabang familia na ang matagumpay nilang napagkasundo at napagkaisa at madaragdagan pa ito sa takdang panahon ayon kay Alamada.