Arestado ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) – Bungos Faction noong Pebrero 27, 2026 sa isang unit-initiated counterterrorism operation na pinangunahan ng RDB, 4SAB, FSB ng PNP, katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group, South Cotabato Provincial Field Unit, iba pang yunit ng PNP, at Philippine Army sa Brgy. Bunao, Tupi.
Kinilala ang mga naarestong suspek bilang sina Kagui Tatang, brigade commander, at Kagui Rowaida, medical officer, parehong PSR-listed noong ika-4 na quarter ng 2025. Ang operasyon ay isinagawa batay sa mga Warrant of Arrest na may kasong kriminal na CC No. 2021-12652 (Anti-Terrorism Act of 2020), CC No. 2021-12651 (Destructive Arson), at CC No. 2021-12650 (Multiple Attempted Murder), lahat inisyu ng RTC Branch 13, Cotabato City noong Oktubre 4, 2021.
Narekober mula sa kanila ang isang .45 caliber pistol na may magazine at anim na bala, pati na ang isang hand grenade. Ang mga suspek at narekober na gamit ay isinailalim sa kustodiya ng Tupi Municipal Police Station para sa dokumentasyon at karampatang disposisyon.
Ayon sa PNP, ang tagumpay ng operasyon ay nagpapatunay sa matatag na paninindigan ng ahensya, katuwang ang iba pang partner agencies, sa pagpapatupad ng batas laban sa terorismo upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

















