Naaresto ang dalawang lalaki sa isang hot pursuit operation ng lokal na pulisya kagabi, Enero 8, kaugnay ng insidente ng motorcycle carnapping na naganap sa Brgy. Labungan bandang alas-3:15 ng hapon.

Ayon kay PLTCOL Esmael A. Madin, Chief of Police, iniulat ng biktima na inarkila siya ng mga suspek upang ihatid sila sa Brgy. Awang. Pagdating sa KM 14, Brgy. Labungan, biglang pinaputukan ng mga suspek ang biktima at pinilit kunin ang kanyang motorsiklo, na ginamit nila bilang getaway vehicle.
Sa pamamagitan ng agarang hot pursuit operation, naaresto ang dalawang suspek bandang alas-8 ng gabi at narecover ang nakawan na motorsiklo. Ipinaalam sa kanila ang kanilang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine sa wikang naiintindihan nila.
Dagdag pa sa imbestigasyon, posibleng sangkot ang mga nahuling suspek sa iba pang insidente ng motorcycle carnapping sa kalapit na mga munisipalidad.

















