Sa pinakahuling update, kinumpirma ng Cotabato City Police Office na dalawang suspek ang tinututukan ngayon sa pamamaril na ikinasawi ni Norhamin U. Agar noong hapon ng Marso 16.
Ayon sa imbestigasyon, matagal na umanong personal na alitan ang isa sa mga pangunahing anggulong tinitingnang motibo sa krimen. Dahil dito, mas pinalalalim pa ng mga awtoridad ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang buong detalye ng insidente.
Patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng pulisya laban sa mga persons of interest upang agad silang madakip at mapanagot sa batas.

















