Dalawang miyembro ng BPAT o Barangay Peacekeeping Action Team ang tiklo ng otoridad sa isinagawang Intelligence Driven Operations laban sa pagdadala nito ng mga matataas na uri ng baril sa Barangay Magsaysay, Parang Maguindanao del Norte.

Kinilala ang mga arestado na sina Bassir Paki Abdullah at Ronnie Aragassi na parehas BPAT Members ng Barangay Magsaysay sa nabanggit na bayan at lalawigan.

Nakatalaga bilang escorte ang dalawa ng mahuli ng kapulisan na may dala-dalang armas na may matatas na kalibre. Nakuha sa posisyon ni Basir ang isang Armalite Riffle Remington M16, isang magasim na loaded ng tatlumpu’t tatlong bala habang nakuha naman kay Cedeño ang isa ring unit ng BCM Armalite Riffle na may isang magasin na mayroon ding load na tatlumpu’t tatlong mga bala.

Ang dalawa ay pawang dinala na sa kustodiya ng Parang MPS para sa disposisyon at pagharap nito sa mga kaso.