Arestado ang dalawang tulak matapos na kumagat sa paing ng kapulisan na buy-bust kamakalawa ng tanghali sa bahagi ng Purok Bonsain, MB Tamontaka sa lungsod.
Kinilala ang mga suspek ng Presinto 3 na sina Johari Kaditi y Abo alyas Jomar, binata at Mike Paker y Eslit, 27 at pawang mga payong payong driver na nakatira sa Barangay Kalanganan 2.
Nakuha sa pagiingat ng mga ito ang dalawang pakete ng shabu na may timbang na 0.03 gramos at nagkakahalaga ng limandaang piso.
Ayon kay Kagawad Norodin Mlok, matagal na umanong nagmamanman ang mga operatiba sa mga suspek at ng magpositibo ito, dito na sila dinampot.
Kulong na ang mga nasabing suspek at sasampahan ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.