LUMAKI pa na parang apoy ang danyos perwisios ng ASF o African Swine Fever sa lalawigan ng North Cotanato matapos ang ilang linggo nitong pananalasa.
Ayon sa impormasyon na mula kay Cotabato Provincial ASF Focal Person Engr. Eli Mangliwan, umabot na sa 82,744,000 na piso ang danyos ng ASF sa buong lalawigan.
Naidagdag naman sa mga bayan na may ASF ang Alamada at Libungan na bumubuo sa 13 lokal na pamahalaan sa 18 na bayan ng lalawigan.
Maswerte na wala pang ASF sa ngayon sa mga bayan ng Magpet, Aleosan, Carmen at Pikit. 87 na barangay at 861 na mag-uuma na ang apektado habang 5,865 naman na mga baboy ang dinepopulate.
Patuloy naman ang pagpapalakas nila laban sa sakit ng baboy lalo’t papalapit na ang holiday season na kung saan ay may mataas na demand para sa karneng baboy.