Ang inakalang nawawala, wala na pala talaga.

Ito ang naging kumento ng mga nakakita ng bangkay ng isang retired teacher na napaulat na nawawala sa bayan ng Makilala, North Cotabato matapos na madiskubre ang katawan nito na ilang linggo nang binawian ng buhay.

Kinilala ang sinawimpalad na guro na si Ginang Florida Ungay, may alyas na Flor, 70 anyos, isang retiradong guro na nakatira sa Barangay Poblacion at dating nagtuturo sa Ireneo R. Castro Memorial Elementary sa Barangay Malasila.

Nasa stage of decomposition na ang bangkay ng naturang guro na pinaniniwalaang ilang linggo na ang nakakaraan na binawian ng buhay.

Ang guro ay napaulat na mag-isa lamang sa buhay at naging single blessed kung kaya’t wala na itong kinakasama sa buhay.

Ayon sa mga churchmates nito, aktibo sa simbahan si Ma’am Flor kung kaya’t ipinagtataka nito ang di nito pagsisimba.

Maging ang mga kaanak at kapitbahay nito nag-alala na rin dahil huli pa na nakita itong buhay noong Nobyembre 2 at hindi na ito nakontak pa.

Nadiskubre ang bangkay ng nasabing guro dahil sa masangsang nito na amoy sa paligid ng pamamahay.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng SOCO ang insidente at isasailalim sa masinsinang otopsiya ang nasabing bangkay.