Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Maguindanao Governor Datu Sajid Islam Ampatuan sa kasong graft at malversation of public funds.

Dahil dito mahaharap ang naturang dating gobernador sa pagkakakulong ng walo hanggang labing dalawang taon sa Graft at mahaharap naman ito sa habang buhay na pagkakabilanggo o reclusion perpetua at may multa pang 393 milyong piso para naman sa malversation.

Sinisikap naman na makuhanan ng komento si Ampatuan hinggil dito ngunit di ito sumasagot sa mga panayam.