Muling sasabak para sa eleksyon sa susunod na taon si Former Shariff Aguak Mayor Bai Zhara Upam Ampatuan. Si Ampatuan ay naghain bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa unang distrito ng Maguindanao del Sur sa ilalim ng Team Aguila-Nacionalista.

Matatandaang naging alkalde ng noon ay Maganoy Municipality at ngayon ay Shariff Aguak ng dalawang termino si Upam Ampatuan.

Siya din ang kauna-unahang babaeng Bangsamoro na alkalde na nagpanukala upang pagharapin ang militar at MILF sa isang grand assembly bago pa man naganap ang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MILF.

Umaasa ang dating alkalde na makakapagsilbi itong muki sa mga mamamayan na ayon sa kanya ay pinagkaitan ng karapatang pantao sa Maguindanao.