Naniniwala ang dating tagapagsalita ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na si Ginoong Eid Kabalu na deemed resigned o otomatikong nagbitiw na sa hawak nitong posisyon ang lahat ng mga appointed na opisyales ng gobyerno maging ang mga BTA appointees na nakapaghain na ng kani kanilang kandidatura o COC’s.

Ayon kay Kabalu, di rin aniya ligtas sa deemed resigned clause ang mga political party nominees na nakapaghain na ng Manifestation of Intent to Participate para sa paparating na Bangsamoro Parliament Elections.

Dagdag pa ni Kabalu, suportado nito ang pahayag ng pangulo ng senado na si Francis Chiz Escudero na nag giit na automatic resigned o deemed resigned ang mga miyembro ng BTA sa oras na ito ay maghain na ng kanilang kandidatura.