Arestado na si Datu Adlaw at ang kanyang asawa na si Bae Lourdes Latraca Infante matapos silang mahuli ng mga awtoridad sa Surigao City nitong Pebrero 2025.
Naaresto ang kanilang grupo na Federal Tribal Government of the Philippines, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa Surigao. Ang operasyon ay isinagawa ng Surigao City Police at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kabilang sa mga kasong kinakaharap nila ay Usurpation of Authority, Large-Scale Human Trafficking, at iba pang paglabag sa batas.
Isa sa mga kaso laban sa kanila ay walang itinakdang piyansa, ibig sabihin, kahit makapagpiyansa sila sa ibang kaso, hindi pa rin sila makakalaya dahil sa non-bailable offense na kanilang kinakaharap.
Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng pulisya ang grupo habang inaantay ang susunod na hakbang sa legal na proseso.