Patuloy na tumututok sa kalagayan at pangkalahayang kalusugan sa mga residente ang lokal na pamahalaan ng Datu Hoffer. Ang mga residente kasi ay naapektuhan ng nangyaring pagbaha na hatid ni Bagyong Kristine.
Sa impormasyong inihatid ni Vice Mayor Datu Prince Sufrie Norabbie Ampatuan, agad na nagbaba ang kanyang ina na si Mayor Bai Bongbong Ampatuan ng direktiba na magpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Nasa kabuuang 39 na mga pamilya na may 147 na indibidual ang nabigyan ng ayuda sa Sitio Mayan at Kasan ng Barangay Labu-Labu 2. Nagkaroon din ng feeding sa mga bata at check-up naman para sa mga buntis at mga katandaan.