Sumampa na sa 58 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa pagkalubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan.
Batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard, isang karagdagang labi ang narekober ng mga technical diver sa isinagawang underwater search operation nitong Lunes, Pebrero 16.
Sa kabuuan, 293 pasahero at tripulante ang naiulat na nakaligtas sa insidente. Gayunman, patuloy pa ang paghahanap sa 21 katao na hanggang ngayon ay itinuturing na nawawala.
Nagpapatuloy ang search and retrieval operations habang isinasagawa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng trahedya.

















