Winasak ng lakas ng hangin at ulan ang ilang kabahayan maging ang detachment ng Philippine Marines sa ilalim ng 25th Marine Company, MBLT5 sa dako ng Barangay Meti sa bayan ng sa Maguindanao del Norte kahapon.

Agad naman na iniutos ng alkalde ng DBS sa MDRRMO nito na magsagawa ng pagtataya upang malaman ang lawak ng pinsala at apektadong residente para sa agarang tulong.

Nagpapatuloy pa ang pagmomonitor ng lokal na pamahalaan at nagsasagawa ma rin ng mga paghahanda sa posible pang epekto ng naranasang samang panahon at malakas na ulan at hangin.