Sugatan matapos mabiktima ng pamamaril ngayong linggo ng umaha sa De Mazenod Avenue sa barangay RH 5 sa lungsod ang isang dispatcher na kinilala sa alyas na Michael.

Sa inisyal na impormasyon, isinugod sa pagamutan si Alyas Daniel dahil sa mga tinamo nitong sugat sa pamamaril habang damay naman ang isang driver ng motorsiklo na nadaplisan ng bala sa kanyang daliri.

Nasa lugar ng pinangyarihan ang Pulisya, Marines maging ang Public Safety Office ng siyudad upang magsagawa ng imbestigasyon at masigurong ligtas ang lugar.