Isang bangkay na nakagapos ang paa, kamay, may taklob pa ang mga mata at may sulat na nakalagay na “ASSET AKO” ang tumambad sa mga residente sa bahagi ng Diversion Road, Barangay Rebuken, Sultan Kudarat sa Maguindanao Norte dakong alas sais ng umaga, linggo.

Base sa ulat ng rumespondeng kapulisan sa lugar, agad silang tumungo sa lugar ng makatanggap sila ng ulat hinggil sa bangkay na ginapos ng duct-tape at may takip sa ulo.

Paniwala ng mga nakakita, biktima ito ng salvage o summary execution at doon na lamang itinapon sa lugar ng mga salarin.

Sa sumandaling ito, di pa tukoy ng Sultan Kudarat PNP ang tunay na pagkakakilanlan ng biktima at kasalukuyan pang nagsasagawa ng masusing pag i-imbestiga sa sinapit ng kaawa-awang biktima.