Nagbigay ng babala ang Department of Migrant Workers (DMW) kay Secretary Hans Leo J. Cacdac sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na iwasang mag-post o mag-share ng mga video at dokumento kaugnay ng mga insidente ng pag-atake sa kanilang host countries, kasunod ng iniulat na pagkakaaresto ng tatlong OFWs.

Ayon kay Secretary Cacdac, mahalagang sumunod ng mga OFWs sa umiiral na seguridad at regulasyon ng kanilang host countries upang maiwasan ang anumang legal na problema.

Sinabi rin niya na kasalukuyang nagbibigay ng legal assistance ang DMW sa mga OFWs na naaresto. Dagdag pa rito, nakipag-ugnayan ang Migrant Workers Office sa Abu Dhabi sa mga pamilya ng mga OFWs upang magbigay ng katiyakan na natutugunan ang kanilang kalagayan at karapatan.

Binigyang-diin ni Cacdac na ang pagsunod sa patakaran ng host country ay hindi lamang proteksyon para sa sarili ng OFWs, kundi pati na rin sa kanilang pamilya at sa reputasyon ng mga Pilipino sa ibang bansa.