Nagbabala ang Department of Energy (DOE) laban sa kumakalat na pekeng balita tungkol sa umano’y “energy lockdown” sa bansa.

Ayon sa ahensya, walang ganitong anunsiyo na inilabas ng DOE at ang mga post na kumakalat online ay peke.

Kasama sa mga pekeng balitang ito ang mga AI-generated videos at mga post na gumagamit ng logo ng DOE.

Pinayuhan ang publiko na maging maingat sa mga link na kasama sa mga post dahil maaari itong magdala sa hindi ligtas na websites.

Dagdag pa ng DOE, patuloy silang nagmo-monitor at nakikipag-ugnayan sa mga kumpanya at sektor ng industriya upang matiyak ang tuloy-tuloy at sapat na suplay ng enerhiya at kuryente sa bansa.