Isinagawa ang tatlong araw na Capacity Building Workshop on Money Laundering and Terrorism Financing na pinangunahan ng Kagawaran ng Hustisya o DOJ, Anti Money Laundering Council o AMLC at ng Maguindanao del Sur Provincial Government.
Ang mga dumalo sa pagtitipon ay ang mga personahe ng kapulisan at iba pang mga tagapagpaganap ng batas sa probinsya kagaya ng PDEA, CIDG maging ang PRO BAR.
Naging inisiyatiba ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur at ni Governor Bai Mariam Mangudadatu ang nasabing workshop upang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga hepe, imbestigador at mga WCPD officers ng mga MPS sa lalawigan sa pagsampa ng kaso sa kung sino ang mga tao o grupo na nasa likod ng pagpopondo sa mga terorista na grupo at mga naitalang paglabag sa Anti Money Laundering Act.
Kabilang sa mga pagdadaan ng mga nasa workshop ay ang kasanayan sa Anti Money Laundering Act of 2001, lectures on Rule on Criminal Forfeiture, Lecture on Financial Investigation, case build up at iba pa.
Dumalo sa naturang workshop sina PRO BAR RD Prexy Tanggawohn, PDEA BAR Director Gil Castro, CIDG BAR Director Ariel Huesca, Maguindanao Sur PPO Director Roel Sermese at iba pang mga alagad ng katarungan at batas.