Naghahanda na ngayon ang COMELEC-BARMM para sa plebesitong gaganapin sa mga bayan ng Sultan Kudarat at Datu Odin Sinsuat sa darating na Setyembre 7 para sa Sultan Kudarat at Setyembre 21 naman para sa DOS.
Kabilang sa mga pinaghahandaan ng komisyon ay ang mga parapernalya o gagamitin sa nakatakdang plebesito kaugnay ng paghahati sa dalawang mga bayan.
Sa panayam kay Comelec BARMM RD Atty. Ray Sumalipao, sa ilalim ng itinatadhana ng batas na naghahati sa mga bayan ay tatanungin ang mga residrnte ng bawat bayan kung sila ba ay pumapabor o hindi sa paghahati ng kanilang bayan.
Samantala, mga guro pa rin ang magsisilbing tagatimon ng plebesito ngunit kung may aatras ay nakahanda ang kapulisan upang maging kapalit nito.
Samantala, magsasagawa naman ng Command Conference sa susunod na buwan ang komisyon kasama ang pulisya at militar at iba pang sektor upang talakayin ang seguridad sa isasagawang plebesito.