Tigok ang isang lalaki na drag racer matapos itong sumalpok sa kasalubong na motorsiklo sa Banga sa South Cotabato. Kinilala ng BANGA PNP ang biktima na si Gabriel Esteva at nasa ligal na idad.

Sa naging imbestigasyon ng kapulisan, nakasalpukan ni Esteba ang kasalubong na motorista habang nakikipagkarerahan ito sa national highway kasama anf 6 na iba pang drag racers.

Isinugod pa sa ospital si Esteva ngunit idineklara itong patay ng dumating dahil sa mga malalang tama na tinamo nito.

Sugatan naman ang kasalpukan nitong si Rhanni Silva, 22 at ang angkas nitong si Zyla Magbanua, 23 na mga taga Tboli, South Cotabato.

Kasalukuyan na nagpapagaling ang mga biktima sa isang pribadong bahay gamutan sa Koronadal City habang nasa kustodiya naman ng BANGA PNP ang mga motorsiklo.