Natigil ng pulisya ang isang ilegal na drag racing sa Barangay Sinawingan kaninang madaling-araw ng Enero 15, 2026, bandang alas-1:00 ng umaga.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Oplan Anti-Bora Bora at Anti-Drag Racing, sa pangunguna ni Police Major Arnold A. Andaya, hepe ng Libungan MPS, katuwang ang mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) Region 12 na nakabase sa Midsayap.
Sa operasyon, nasabat ang apat na motorsiklo at isang Toyota Vios, na balak sanang gamitin sa ilegal na karera. Ayon sa pulisya, pawang residente ng Sultan Kudarat at Cotabato City ang mga sangkot, at karamihan sa kanila ay walang kumpletong dokumento ng kanilang mga sasakyan.
Agad na itinurn-over sa HPG-12 Midsayap ang mga motorsiklo at kotse para sa masusing beripikasyon at kaukulang aksyon.
Patuloy ang paalala ng kapulisan sa publiko na iwasan ang illegal drag racing, dahil panganib ito sa buhay at ari-arian ng lahat.

















