Arestado ang drayber na tulak ng droga sa ikinasang Drug Buybust Operations ng kapulisan sa Sitio Mangit, Barangay Macasandag sa bayan ng Parang, Maguindanao Norte.

Kinilala ang tulak na si Mohammad Ayob Abad alyas Mamad, 28 anyos at residente ng nasabing lugar.

Nasamsam sa operasyon ang tatlong (3) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P 980.00 at mga parapernaliya.

Nakumpiska din dito ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nasa kustodiya na ngayon ng Parang MPS ang suspek at mahaharap sa kasomg may kinalaman sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.