Patay ang isang lalaki matapos na sumalpok sa poste ng isang telco ang minamaneho nitong pick-up sa Libertad, Surallah, South Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Surallah Police ang drayber ng naturang sasakyan na si Ryan Salcedo, 42 anyos at taga lungsod ng Koronadal.

Sa imbestigasyon lumilitaw na binabaybay ni Salcedo ang daan mula Barangay Centrala pauwi sa lungsod ng ma out of control at lumihis sa kanang bahagi ang sasakyan at sumalpok ito sa poste.

Nasugod pa ng kawani ng BFP Surallah na unang rumesponde sa naturang aksidente ang drayber na si Salcedo sa bahay pagamutan ngunit dead on arrival na ito, sa pageklara ng doktor.