Arestado sa naikasang buy-bust operations ng City Police Drug Enforcement Unit o CPDEU ang isang driver ng payong payong sa lungsod sa bahagi ng Makakua Street sa Barangay Poblacion Singko.

Kinilala ni CPDEU Chief PCapt. Tugaya Alfonso ang suspek na si Benjamin Mamadra, 19 at residente sa MB Bagua.

Nakuha sa kanya ang isamg pakete ng pinaniniwalaang shabu at nabawi rin sa suspek ang buybust money na ginamit sa operasyon.

Kulong na sa presinto uno ang suspek at sasampahan ng kaso ukol sa iligal na droga o ang RA 9165.