Nauwi sa pagkakasawi ng isa ang dapat sana ay mapayapang drug bust operations ng PDEA BARMM matapos manlaban sa kanila ang tatlong suspek habang matagumpay namang nabuwag ang isang drugden sa Purok 3 ng Barangay Upper Siling sa bayan ng Buluan sa Maguindanao del Sur.
Kinilala ng hepe ng PDEA BARMM Director Gil Castro ang nanlaban na nasawi na si alyas Dats, drugden operator habang arestado ang dalawa na sina Memo Katua at Abdulasis Macalang.
Nasamsam dito ang 25 na maliliit na sachet na naglalaman ng suspetsadong shabu na may bigat na 15 grams at nagkakahalaga ng P102,000.00.
Narekubre din sa lugar ang ilang drug related paraphernalia, isang itim na motor at isang 9mm na submachine gun na may kargang pitong bala.
Nasa piitan na ng PDEA BARMM ang mga nahuling suspek habang tinutugis naman ang isa pang nakatakas na si alyas Rolan na sangkot umano sa bentahan ng illegal drugs.
Lahat sila ay pawang kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.