Arestado ang isang hinihinalang drug dealer sa isinagawang entrapment operation ng mga pulis sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City, madaling araw ng Hulyo 26.
Kinilala ang suspek na si Bryan Lahaylahay y Paches, 41-anyos, na nahuli ng mga operatiba ng pinagsanib na puwersa ng PRO-12 at Regional Police Drug Enforcement Unit 12 matapos itong makumpiskahan ng tinatayang 39.5 gramo ng shabu na may halagang humigit-kumulang PHP 268,600.
Ayon sa ulat, wala nang nagawa ang suspek nang arestuhin siya matapos ang bentahan ng iligal na droga sa mismong entrapment operation.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PRO-12 ang nakumpiskang droga, habang nakadetine na si Lahaylahay at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.