Matagumpay na nabuwag ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang drug den sa Barangay Panang, Wao, Lanao del Sur nitong Biyernes ng hapon, Oktubre a-tres, dalawampu’t dalawampu’t lima, dakong ala-una y medya.
Sa operasyon na pinangunahan ng PDEA Lanao del Sur Provincial Office, naaresto ang tatlong suspek kabilang ang isang high-value target na umano’y nagpapatakbo ng naturang drug den.
Nasamsam sa lugar ang tinatayang sampung gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱68,000, isang heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng limang gramo ng shabu, siyam na karagdagang sachet na may limang gramo, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Ang operasyon ay isinagawa ng PDEA Lanao del Sur katuwang ang Regional Special Enforcement Team (RSET), PDEA LTIU, PDEA Maguindanao, Wao Municipal Police Station, at ang 55th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kinumpirma ng PDEA na ligtas at walang nasaktan sa hanay ng mga operatiba matapos ang matagumpay na operasyon.