Nabuwag ang isang Drug den habang apat naman ang mga suspek kabilang na ang isang taga pag panatili ng drugden ang natiklo ng PDEA BARMM sa ikinasa nitong drug buy-bust operations sa Calle Visaya, Barangay Malinis, siyudad ng Lamitan sa lalawigan ng Basilan.

Kinilala ang taga panatili ng Drug den na si Carlito Manolong dela Cruz alyas Buboy habang kinilala naman ang tatlong kasamahan niya na sina Falcasantos Tani, Reynante Villamil at Winifred Aquino.

Nasamsam sa mga ito ang anim na pakete ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng iligal na shabu na may timbang na limang gramo at nagkakahalaga ng P34,000.00.

Kabilang din sa nasamsam ang mga parapernalya, mga telepono at ang bust money na ginamit para sa transaksyon. Mahaharap ang mga durugista sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at nasa kustodiya na sila ngayon ng Lamitan City PNP.