Sa piitan na magpapasko at magbabagong taon ang isang (1) drug den operator at dalawang (2) kasamahan nito matapos kumagat sa pain ng mga operatiba sa ikinasang anti-narcotics entrap operation ng PDEA BARMM sa Barangay Maligaya sa Lamitan City, Basilan nitong Biyernes. November 29, 2024
Sa pahayag ni PDEA BARMM Director Gil Cesario Castro, kinilala nito ang mga dugurista na sina Ryan Paredes Lequin at Rovert Rivero, at Randy Largo.
Ayon kay Dir. Castro, nagpakilala umano ang mga ito nang pagbentahan nila ang operatibang nagpanggap na poseur buyer ng P34,000 pesos halaga ng shabu sa Purok 5, Brgy. Maligaya, Lamitan City.
Nagpahayag ng pasasalamat si Lamitan City Peace and Order Council Chairman at Mayor Roderick Furigay maging si PROBAR Director PBGen. Romeo Macapaz, sa PDEA BARMM Director sa matagumpay na pagkakabuwag sa drug den at pagkakahuli sa mga nasabing shabu dealers.