Matagumpay na na-dismantle ng mga awtoridad ang isang drug den sa Barangay Sarmiento sa isinagawang joint buy-bust operation kahapon Enero 27, 2026. Pinangunahan ng PDEA BARMM sa pakikipagtulungan sa iba pang provincial at regional law enforcement units, kasama ang Parang MPS at 1401st Regional Mobile Force Battalion, ang operasyon na nagresulta sa pagkaka-arestado ng apat na suspek.
Kabilang sa naaresto si alias “Nhor,” 28 taong gulang, na tinuturing na maintainer ng drug den, kasama sina alias “Ali,” 30; alias “Tata,” 44; at alias “Datdat,” 44, babae. Nasamsam mula sa kanila ang 21 heat-sealed sachets ng tinatayang 17 gramo ng shabu, na may street value na ₱115,600, pati na ang buy-bust money, assorted drug paraphernalia, isang cellphone, at identification card.
Ang apat na suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng PDEA BARMM Jail Facility at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

















